Wednesday, July 30, 2014

New glasses 2

Special shout out to Steph Bravo for today's joke! Thanks!

Tuesday, July 29, 2014

Excuse slip

Naalala ko dati, ayaw na daw ng HR namin mag-approve ng tardiness excuse slip kung ang reason for beng late ay "traffic" kaya kung ano-anong rason ang iniisip naming isulat.
Minsan nga nagkaka-biruan na ako na ang panalo kung may "Most creative excuse" award!

Monday, July 28, 2014

Here comes the rain again

Pag umuulan talaga, sarap mag-grapple ng mga existential problems...

Sunday, July 27, 2014

Makibaka

I don't know about you, but I've always wondered, "do those people who protest on the streets every single day have jobs?" If not, how do they earn a living? Are they professional protesters? And who pays for their food and transportation?
And most important of all, will they ever be satisfied?

Wednesday, July 23, 2014

Trip to Quiapo part 3

Kumusta na kaya ang mga suki ko ngayong uso na ang download? Sa MCS daw, sumabay na sila sa panahon. Nagda-download na rin sila ng movies for P20 ! Sabi ko naman kasi sa kanila, iwan na ang piracy at magbenta na lang ng pearls. Para sa mga ayaw pumunta sa traffic sa Greenhills. Di ba?

Monday, July 21, 2014

Trip to Quiapo part 2

Naabutan na ba kayo ng raid sa Quiapo? Never pa naman ako nahuli, pero may times talaga na namimili ako, nang biglang isasara ng mga suki ko ang mga stalls nila kahit nasa loob pa kaming mga buyers! Hindi ko tuloy malaman kung anong gagawin ko sa mga nabili kong DVD! Kaya simula noon, nagdadala na ako ng bag para pwedeng itago ang mga ebidensya! ;) Exciting times na nakaka-miss sa Quiapo!

Crushed version 2


Here's something for all Adam Levine fans out there! He got hitched to Victoria's Secret model Behati Prinsloo on July 19 Congratulations to the bride and groom!
and yes, this is a rehash of the one I made for Ryan Gosling and Eva Mendes! And I may use it again when another hot couple get married! :D



Wednesday, July 16, 2014

Trip to Quiapo

Babala: Rated SPG. Huwag tularan ang mga ito.

Pero aaminin ko, I miss Quiapo. Yung sasabak ka sa biyahe at makiki-chika sa may Golden Mosque para maghanap ng mga hard-to-find DVD. Never akong nadukutan dun dahil yung mga sellers din ang nagbabantay para di masira ang business nila.

Sunday, July 13, 2014

Forbidden visitor

Hospital reunion! Daming mga sangkot sa anomalya na nasa hospital ngayon!

Friday, July 11, 2014

Crushed

July 11, 2014 ay International Araw ng Pagluluksa for women AND men

Wednesday, July 9, 2014

Noranian forever part 2

Babala: Huwag muna magbiro sa mga Noranians at mainit pa ang ulo nila!

Pero hindi ko talaga makakalimutan ang kwento ng kaibigan ko: Yung yaya daw niya nakipag-away dahil may Noranian at Vilmanian na ayaw magbigayan sa pagtawid ng tulay! At proud si yaya sa mga bruises nya! Parang badge of courage for her idol!

Meanwhile, pansinin nyo ang pose ni Jhenny sa strip...yes, galing yan sa pose nya sa "Himala"

Monday, July 7, 2014

Forbidden situation

Bakit nga ba lumalabas ang sakit ng mga ito pag makukulong na, 'no?

* Thanks to Anthony V. Coloma for the idea fro this joke! :D

Sunday, July 6, 2014

Noranian forever

Para sa mga Noranians! Ituloy ang laban!

Nora for National Artist!
Nung bata pa ako, pabor na pabor ako na ma-retain ang US Bases kasi  paborito ko ang GI Joe, Transformers at Superman. Proud na proud pa ako pag pinupuri ang galing ko mag-english.
Tapos, sa kainitan ng debate sa senado sa US Bases, pinalabas sa channel 2 pagkatapos ng Eat Bulaga ang pelikulang "Minsa'y isang gamu-gamo" Doon namulat ang mga mata ko na hindi lahat ng galing sa Amerika ay mabuti. Ganun kagaling si Nora Aunor.

Joke nga ng Noranians, sa sobrang galing ni Nora, kahit naka-zoom in sa mukha ni Ate Guy ang camera, malalaman mo kung ang hawak ni Nora ay waling tingting o walis tambo pagtingin mo sa mga mata lang niya! Ganun kagaling!

*Very very subtle lang ang animation dito! Uma-under acting din!

Bonus points if you can name all the movies referenced by this strip! :D

Friday, July 4, 2014

Pilosopo part 3

Last na'to, pramis! :D

Wednesday, July 2, 2014

Pilosopo part 2

Akalain mo, nag-Philo 101 pala si Englebert!
Pero ang mas nakakatawa, binago talaga ni chief yung sign para lang mahuli ang pilosopo!

Tuesday, July 1, 2014

Pilosopo

Pinoy talaga, ang daming palusot!