Sunday, July 28, 2013

KKJ part 4

Ewan ko sa inyo ha, pero di ba ang unwritten agreement sa jeep, pag may bumaba, uusog tayong lahat mas palapit sa pintuan kasi nakapagbayad na tayo at yung mga bagong sasakay naman ang kailangan umupo mas malapit sa driver para magbayad. Kasi by that time naman siguro lahat na ng mga naunang pasahero e nakapagbayad na di ba?

Kaya asar yung mga ayaw umusog at dun tuloy umuupo sa space na yun ang mga bagong sakay. Buti sana kung sila ang mag-aabot ng bayad ng mga pinaupo nila dun but no... ikaw pa rin!

At bakit naman talaga merong mga bagong sakay na kung saan masikip, dun pinagpipilitan ang sarili? Nagmamadali? O ayaw maupo malapit sa driver kasi ayaw mag-abot ng bayad ng iba? Ganon? Pero ini-expect mo kami mag-aabot ng bayad mo? Kapalmuks talaga!!! In the words of our President Noynoy: Saan kayo kumukuha ng kapal ng mukha?!?!

Wednesday, July 24, 2013

New trese fan art

This is something I posted on the Trese fan page. I call this Bagong Ligo ang Pakiramdam
So glad lots of fans liked it. Trese is sooooo serious I felt some humor was in order.
The comments also mentioned that Alexandra could endorse TRESEmme shampoo. Haha!

Wednesday, July 17, 2013

News ko 'day part 2


Uy, kume-current events kiyeme si Jhenny!
Meanwhile, here's a photo of the model home being offered to the informal settlers, with some furniture added just so they can visualize how their homes would look. Not bad, eh?




Monday, July 15, 2013

News ko 'day!

This joke came from me and my dad's comments about the news

Friday, July 12, 2013

Crazy Jhenny and the KKJ3

Sino kaya ang bibigay sa ganitong sitwasyon?

Sunday, July 7, 2013

Crazy Jhenny and the KKJ2

Nakasakay ka na ba sa jeep na maluwag naman pero halos kalahati lang ng pwet mo ang nakaupo? Malamang dahil sa mga pasaherong pati mga bag nakaupo o kaya yung mga hindi maayos umupo no? Alam kaya nila ang ibig sabihin ng konsidersayon?

Wednesday, July 3, 2013

Crazy Jhenny now on Libre!

Crazy Jhenny now appears on the free tabloid, Libre.  It first appeared on June 12. Hope I bring some joy to all the frazzled LRT and MRT train riders! You can also go to http://www.libre.com.ph/ to see the latest issue

Jhenny and the KKJ

KKJ=Kainis Kasabay sa Jeep. KKJ talaga ang mga  deadma, masyadong naka-focus sa cellphone, mga nabingi na sa tugtog ng mp3 player at mga tulog o nagtutulug-tulugan...Grrr! So paano namin iaabot ang bayad? Telekinesisi?

Kayo, ano ang mga KKJ experience nyo?