Sunday, December 21, 2014

Simbang gabi


Huwag po tularan si Crazy Jhenny pag nagsisimba! Kay Jesus lang po tumingin! Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Wednesday, December 17, 2014

Make your own gift

Wala nang mas personal pa sa gift that you made yourself!
Just in case gusto nyo i-try
Heto ang how to make ube halaya
http://m.wikihow.com/Make-Ube-Halaya

Monday, December 15, 2014

Buy local

This strip was inspired by a facebook post that I think is a good idea. I would love to support a small business rather than make those rich mall owners even richer. 

Now, would you happen to be interested in some cookies? Just kidding! :D

Sunday, December 14, 2014

Christmas gifts

Ano ang mga madalas nyong binibiling gifts para sa mga friends nyo?

 Madalas akong nakakatanggap ng mugs at ballpens.

Pero si Jhenny may mga tips para mas special ang mga mugs na ibibigay nyo!

Wednesday, December 10, 2014

Huwag ganon

Hope ok kayong lahat!
New normal na daw ang bagyo sa December dahil sa climate change! Kaya huwag hamunin ang Nature!

Monday, December 8, 2014

Stupid bagyo questions

Based on an actual TV interview I heard

Sunday, December 7, 2014

Crazy rescue

Huwag maging luka-luka, mga ka-crazy! Stay indoors and stay safe!

Wednesday, December 3, 2014

christmas shopping part 3

Nasobrahan yata sa kaka-basa ng Kiko Machine si Jhenny! Asteeg!
Pagpasensyahan na at stressful ang panahon ngayon!

Monday, December 1, 2014

Christmas shopping part 2

Crazy na talaga ang presyo ng mga children's toys ngayon!

I don't know about you, but for me, P100 should be enough for a toy the kids will just break anyway.
But I was at the mall and I just couldn't believe the robbery that was going on! P500 for an Avengers action figure? P700 for a Barbie doll? P1,000 for a Lego set?!?

Kawawa ang mga parents na mapapadaan sa toy store na may kasamang mga anak!
At good luck sa mga ninong at ninang dyan!

Sunday, November 30, 2014

Christmas shopping

December na naman!

Guilty ako dito. Nung bata pa ako, lagi akong nagtataka kung bakit pare-pareho ang regalo sa aming magpi-pinsan ng mga tito at tita ko... Naisip ko, bakit parang hindi nila pinag-iisipan mabuti kung anong gift ang bibigay sa bawat isa sa amin?

Kaya nung first time kong mamili ng gifts, soooobrang tagal ko kasi ang dami kong criteria! Tapos hindi naman na-appreciate ng mga bata ang socio-political message ng gifts ko!!!

Now I understand... di lang kami ang center ng buhay nila kaya wala na silang time mag-update kung anong specific toy ang gusto namin... at marami pa silang kailangan bilhin at i-budget pag Pasko!

Wednesday, November 26, 2014

The big revelation!

Ang nakaraan: Pagkaalis ni Super Jhenny, sumulpot oh so randamly ni Jhenny kaya napa-isip si Chinito kung sino ba talaga si Super Jhenny!

At ngayon...Mahuhulaan na ang secret ni Jhenny!!!

Secret identity

Ang nakaraang episode: May holdaper na muntik nang biktimahin si Chinito!
At ngayon, ang pagpapatuloy ng ating kuwento:

Buti na lang kamag-anak yata si Chinito ni Lois Lane!

Monday, November 24, 2014

Super Jhenny returns!

Note: This may have taken place in Crazy Jhenny's mind :)

Siksikan Levels

Ingat sa pag-uwi mga ka-crazy!

Sunday, November 23, 2014

Artista

Naalala ko tuloy nung may nakita akong "celebrity" sa mall. Naka-shades sa loob ng mall? Sikat ka 'teh? Nung nakasalubong ko siya, yung mukha ko, katulad ng mukha ni Englebert sa 2nd frame!

Wednesday, November 19, 2014

Mas magalang

True story kids! Tumatanda kami everytime na pino-"po" niyo kami at tinatawag na "ma'am" o "sir"
So stop it!!!

Magalang

Karma ba ang itu?
Nung bago pa lang ako sa office, mahilig ako mag-"po" at "opo" sa mga kasamahan ko. Sign of respect ba.  Pero pinatigil nila sa akin.
Now I understand. Colleagues kami at pare-parehong employee, hindi boss.
Kaya unless ikaw si Nora Aunor, huwag mo ako ma-"po" at "opo" kung ayaw mo mapukpok!

Tuesday, November 18, 2014

First timer

Uy, huwag kayong tumawa! Hindi lahat ng tao nakasakay na sa eroplano!

Sabi nga ng isang wise man, "Ok lang magtanong at magmukhang tanga, kesa hindi magtanong at manatiling tanga!"

Sunday, November 16, 2014

More stupid questions

Uminit tuloy ang ulo ni ate! Na-holdap na nga, may mga nakakalokang tanong pa si reporter! Ang mas crazy pa, yung tanong na yan ay narinig ko talaga sa TV!

Wednesday, November 12, 2014

Padala sa abroad

Ang hirap din mag-isip ng papadala mo sa mga kamag-anak sa abroad no? Kasi dapat madali lang bitbitin at isingit sa mga maleta nila!
Ano ba ang mga magandang souvenir na pwedeng ipadala sa kanila?

Monday, November 10, 2014

Trapik

Sa totoo lang, ganito ang nangyayari sa akin nung isang araw at gusto ko talagang sakaling si manong!

Sunday, November 9, 2014

Balikbayan part 6

Ayan kasi! Konting preno sa pagsalita at bumusina ka muna! Pag may nabangga ka, baka ikaw pa ang masa na-disgrasya! Boom!
Thank you to all the hard-working nurses and caregivers out there!

*This strip may or may not be based on an actual conversation!

Tuesday, November 4, 2014

Balikbayan part 5: Pasalubong

This was obviously not the first time for Tita Susie to go through the airport.
May mga kumukupit pa rin ba sa mga balikbayan boxes ngayon?

Monday, November 3, 2014

Balikbayan part 4

At least si Tita Chuchie, 20+years nang nakatira sa abroad kaya may excuse siya.
E tayong dito naman nakatira sa Pilipinas?
Nakapunta na ba kayo sa Davao or Vigan bago kayo nag-Singapore at Hong Kong?
'Ika nga ni Susan Calo -Medina, "Huwag maging dayuhansa sariling bayan!"
A public service message from  #more fun in the Wow Philippines :D

Sunday, November 2, 2014

The horror! The horror!

Kids, maiintindihan nyo ito pag matanda na kayo!
Pero di ba? Parang sa sobrang busy ng taon , di mo namalayan at may countdown na pala sa TV!!!

Thursday, October 30, 2014

The Halloween Grinch

Yung totoo, wala namang Halloween sa kultura natin. Ang meron lang, pupunta ka sa sementeryo para mag-tirik ng kandila at magdasal para sa mga namatay na kamag-anak.
Tapos manonood ng Magandang Gabi Bayan na panay katatakutan.

Wednesday, October 29, 2014

Takutan

Oras na naman ng takutan!
May mga office ghosts ba kayo? Sa amin, meron daw invisible being na bumubulong sa tenga ng mga natutulog sa clinic! At meron daw banyo na bigla na lang nag-lo-lock habang nasa loob ka!

Basahin nyo na rin ang mga scary stories ng mga artista sa link  below! Awooo!
 http://entertainment.inquirer.net/155428/celebs-share-chilling-tales

Tuesday, October 28, 2014

Horror movie

Bakit nga ba ang hilig natin manood ng nakakatakot? Happy undas!!!

Monday, October 27, 2014

Monster problems -komiks edition

Bigyang pansin naman natin ang mga special needs ng mga komiks superstars natin...
Naalala ko tuloy yung Zuma comic strip ko dati...


Sunday, October 26, 2014

Monster problems 2014

Alalahanin natin: monsters are people, too!
Last year's edition : http://crazyjhenny.blogspot.com/2013/10/monster-problems.html



Friday, October 24, 2014

Balikbayan part 3

Naku, pakabait ka, baby! Kungdi, wala kang regalo sa balikbayan box!

Wednesday, October 22, 2014

Balikbayan part 2

Galing Saudi nga kasi! :)

Tuesday, October 21, 2014

Balikbayan

Ganun naman talaga di ba? Habang hayok na hayok tayo sa imported chocolates, yung mga ordinaryo sa ating pagkain, yun ang hinahanap ng Pinoy na nasa abroad!
 Kahit nga may tanim na kalamansi  ang tita ko sa US, iba pa rin daw ang lasa ng kalamansi sa Pilipinas.
Kaya pag nag-shopping ang mga balikbayan relatives ko dito, hakot ang sinigang mix, patis at junk food na kinakain nila nung bata pa sila.

Monday, October 20, 2014

Pasalubong part 2

Dear friends, pag nagbilin ng pasalubong, huwag gawing amazon.com ang mga kamag-anak sa abroad.

Tandaan: hindi po kumakayod ang mga kamag-anak natin sa abroad para lang ipag-shopping tayo!

Sunday, October 19, 2014

Pasalubong

Bakit nga ba pag may magpapadala ng pasalubong, may mga sobrang mahiyain (tulad ko nung bata pa) at mayroon ding sobrang kapalmuks? (tulad ko nung tumanda na!)  :D

*By the way, medyo nag-iba ang drawing dahil nag-aaral gumamit ng wacom tablet ang may-akda :P

Special thanks to my Tito Nonong for the wacom tablet!!!

Wednesday, October 15, 2014

Eksena sa bus part 3

Pag ganyan na ang selos ni misis, good luck!
* sa Libre, ako na ang nag-censor ng word na "orgy" para di na magtanong ang mga batang readers. Yes, responsible! :P

Eksena sa bus part 2

Tom-Den ang peg!

Monday, October 13, 2014

Eksena sa bus

Aaand we're back! Na-miss nyo ba si Jhenny?

Monday, September 29, 2014

7/24

Dahil natutulog din ang tagapag-balita!

Sunday, September 28, 2014

Ignore

bakit nga ba hindi ka crush ng crush mo? kainis!

Wednesday, September 24, 2014

bakit ganun part 5

Bakit nga ba pinaka-masarap ang tulog natin exactly 2 minutes bago mag-alarm ang clock?

Tuesday, September 23, 2014

bakit ganun part 4


Bakit nga ba ganun? Pag ang perfect ng hair, makeup at outfit of the day mo, wala si crush, tapos...

Monday, September 22, 2014

bakit ganun part 3

Laging nangyayari sa akin ito! :P

Wednesday, September 17, 2014

Bakit ganun part 2

Minsan talaga parang nag-co-conspire ang kapalaran para i-sabotage ang balik-alindog plans mo!

Bakit ganun

Nangyari na ba sa inyo 'to?  Share nyo rin mga experience nyo!

Tuesday, September 16, 2014

Pusa

Partly based on a true story. ;)

At mga kids, huwag kayong manakit ng mga hayop...bad yun!

Monday, September 15, 2014

Safety measures

Kayo, anong safety measures ang meron sa office nyo ngayon para iwas-holdap sa taxi?

Sunday, September 14, 2014

Cheerdance hangover

Congrats sa NU na nanalo sa  Cheer Dance Competition!

This strip is dedicated to all the other schools na hindi nanalo! Next year, igaganti kayo ni Jhenny,  sa ngalan ng buwan!!! :D

Wednesday, September 10, 2014

Parent problems

This is from one of my officemates facebook statuses that made me LOL I just had to ask for permission to turn it into a strip. Lalo na yung part na pangit yung boypren, maputi lang! :D