Wednesday, August 31, 2016

Englebert goes shopping 3

Sa totoo lang, I was tempted!

Englebert goes shopping 2

Notes: Those stairs outside typical Montreal houses are unique to Montreal. So cute, no?

Tuesday, August 30, 2016

Englebert goes shopping

Sabi ko talaga sa Tita ko, aba, pwede ka pala mabusog sa Canada nang di gumagastos! :D
Pero para safe, sa Asian stores nyo lang gawin ito.

Sunday, August 28, 2016

Englebert and the Metro models

Based on a true story... Public service: Kahit gaano po ka-porma, huwag po kalimutan mag-deodorant lalo na kung sasakay sa enclosed space tulad ng subway!

Friday, August 26, 2016

Englebert in the Metro

Grabe talaga pag nakita mo kung gaano tayo napag-iwanan ng ibang bansa... Konting delay nga lng, grabe na reklamo nila... Sa 'tin, tumitirik na sa gitna ng riles, parang tangap na natin... hayyyyy.
Isa pang napansin ko sa Metro nila, di mo kailangan paupuin ang mga babae, unless nasa seat ka reserved for the elderly or disabled.
At sobra magmadali ang mga tao. Kahit sa bus, umaandar pa yung tren, nakatayo na lahat sila!

Wednesday, August 24, 2016

Englebert at lunch

Akala mo hindi mo na-miss pero oo pala!

Tuesday, August 23, 2016

Englebert and the fruits

Actually, clean version na ito. Nung sinabi ko kay Jasmine na nakaka-utot ang cherries, sabi niya, "Not just fart! IT makes you poop!"
Kaya pala... :D
Pero ang kamote bilang musical fruit ay originally narinig ko sa officemates kong sina Steph and Ernie :)



Sunday, August 21, 2016

Englebert meets Soledad

Soledad is so cute, She will like you even if she's just met you

Wednesday, August 17, 2016

Englebert in Montreal!

Naawa talaga ako kay Matteo sa bus. Feeling ko ang dami niyang gustong ikwento kaso dahil hindi kami magka-intindihan kahit may wifi app ako, bored na bored ang bata.
Tapos yun pala, ako rin, sabik na sabik may makausap na Pinoy. Isang linggo ba naman akong English at French ang kausap!

Tuesday, August 16, 2016

Englebert at the bus station

Actually, ninerbyos talaga ako dahil kaming dalawa lang ni Matteo ang pupunta ng Montreal by bus! E labs na labs ni Francois ang kanyang first born! Sabi ko tuloy sa sarili ko, "Pag may nangyari kay Matteo under my watch, kunin nyo na rin ako, Lord!"

Monday, August 15, 2016

Englebert at Diefenbunker

Ang tagal na pala gustong pumunta ni Francois sa Diefenbunker pero ayaw ni Jasmine. Pero dahil Father's Day at nataon na pwede ring ipasyal ang turista (me) doon, pumayag na si Jasmine pero hindi siya masaya. Mas gusto niya magpunta sa Royal Canadian Mounted Police para tingnan ang mga kabayo. Ito naman ang hindi type ni Francois kasi mabaho at maraming jebs ng kabayo, na ayaw niyang makarating sa kanyang beloved floors sa bahay :)

Sunday, August 14, 2016

Englebert at the National Gallery

Like I keep telling everyone I can, one of the places I could stay the whole day would be at the Musee des Beaux Arts or the National Gallery of Canada! Just looking at all the artworks there gives me so much pleasure!
And the security guys are so nice. They only told me that taking photos at the Picasso section was not allowed AFTER I had taken one photo. they didn't even ask me to delete it or anything.

Friday, August 12, 2016

Englebert in Canada summer

Exagg lang ito. Pero nung early part nung summer, medyo umaabot talaga ng highs of 24 degrees and lows of 12 degrees! Typically, umaabot ng 33 degrees. Ang pagkakaiba sa Pilipinas, sa Canada, pag sobrang init ng panahon, kinabukasan, uulan naman nang malakas.
And confession: Buti na lang nagdala ako ng thermal underwear.Pag gabi kasi, naka-aircon pa rin ang bahay ng pinsan ko at pati banyo, naka-aircon!!!

Wednesday, August 10, 2016

Englebert and Doraaah

Most of the words here were actually spoken. I really did watch Dora to learn French.
 And note the Montreal Canadiens Habs slippers I'm wearing!

Tuesday, August 9, 2016

Englebert in Parliament

When someone gives you a pop quiz while on vacation...




Monday, August 8, 2016

Englebert eats out

This is based on a co-worker's story. Pero sa New York naman. Akala yata ng mga friends niya, na-miss na niya ang Pinoy food! :D

Sunday, August 7, 2016

Englebert and the plane

There's no pressure like having a 6-year-old kid watching while you try to fold his paper plane!
Pati talampakan ko pinagpawisan!!!

Friday, August 5, 2016

House rules

Shout out to Monica Geller of Friends! That's who he reminds me of...
TOC=Trouble Obsessionnel Compulsif is the French term for OCD=Obsessive Compulsive Disorder

Wednesday, August 3, 2016

Englebert in Gatineau

Englebert finally meets his nephews! So syempre, kailangan yang magpasikat sa mga bata! Ang kaso...

Englebert in Ottawa

Sa wakas! Tapos na ang paglipad-lipad ni Englebert!

Monday, August 1, 2016

Englebert in the scanner

This may not have happened in real life as I might have been suffering from jet lag

Englebert in Vancouver

Mr. Pot-kuri strikes again! Pero seryoso, ang hirap matulog sa eroplano. Iniisip ko, baka may mawala ang passport ko, baka maligaw ako, etc. Tapos, gusto mong matulog kasi alam mong mapapagod ka, pero di ka mapakali. So nood ka ng in-flight movie, TV show, music... tapos pag makakatulog ka na, biglang kakain na o kaya may announcement ang captain na may turbulence... kaya ayun, sa airport, hilong-talilong ka at hindi mapalagay ang tiyan mo kasi umalis ka ng Friday ng umaga sa Pilipinas at pagdating mo sa Canada after 13 hours, Friday ng umaga na ulit!!!