Sunday, August 31, 2014

Eksena sa jeepney

September na! Ibig sabihin, Pasko na!
At ibig sabihin...

....marami na namang loko-loko na nagkalat sa labas!

Marami akong natanggap na feedback na ang mga holdaper at snatcher daw ngayon ay di na mukhang mga goons kungdi maayos na ang damit at mukha pa daw mga taga-call center!

Kaya mag-ingat mga ka-crazy!

Wednesday, August 27, 2014

Pulis

Hayyyy... sad to say, pero this is based on a true story.
Bilang tugon ng pulis sa recent robberies sa area ay napakadaming pulis dun sa labas ng office namin Dun sa well-lit area sila nag-check point at nung isang time 8 pa sila in total na nabilang ko, 4 on each side of the road.
E kaso, bakit dun sila nagbabantay, hindi dun sa area na madilim na pinangyayarihan nung krimen?
At ang mas nakakatawa pa, after 9PM, wala na yung checkpoint at mga pulis! Ano yun? Cosmetic solution lang?

Praning

Ganito na rin ako sa jeep ngayon... pasensya na po sa mga napag-suspetchahan kong mga pasahero...

Mahaba ang kuko=snatcher; May mga tattoo=holdaper; May kamay sa loob ng bag=snatcher din!

Ang latest, mukhang mga taga-call center na daw ang costume ng mga holdaper ngayon! So ingat po tayong lahat!

Monday, August 25, 2014

Holdap App

Huwag lang kunin pati relo mo...

Sunday, August 24, 2014

KKJ: Holdaper

KKJ: Kainis Kasabay sa Jeep ang mga holdaper!!!

Hindi nakakatawa ang biglang pagdami ng mga masasamang-loob sa taxi at jeep ngayon ha?

At mas lalong di sina-suggest ni Jhenny na ilagay nyo sa sariling mga kamay ang pagsugpo sa mga walanghiyang kriminal. Sa komiks lang pwede.

Stay safe mga friends!

Wednesday, August 20, 2014

Ironic

Sabay-sabay tayo!
♫ It's like raiiin on your wedding day...♫

Laglag-barya

Dear Laglag-barya gang and other thieves, we hate you!
Nakakainis na talaga ang mga kriminal ngayon! Napaka-brazen ng mga walanghiya!
This strip is in reaction to the spate of crimes my friends and colleagues have been experiencing. Sana naman mahuli na ang gumagawa nyan!



Tuesday, August 19, 2014

Dream car

Shout out to my former classmate Daniel for the idea for this strip! :)
Kung hindi nyo po na-gets, paki-pakita ang strip sa isang car enthusiast. Teynks

Monday, August 18, 2014

Mukhang artista

Loko ka talaga, Englebert!
Meanwhile, para sa mga di nakaka-kilala kay Rene Requiestas, siya po ay isang komedyanteng magaling na nakasama pa nina Kris Aquino at Joey de Leon. Pero sad to say, pumanaw na siya.
photo from pinoycyberkada.com



Sunday, August 17, 2014

Serious buyers only

Happy Monday mga ka-crazy! Kaloka talaga pag may binebenta ka tapos ang mga kausap mo, either sobrang makatawad o yung mga nang-aaksaya lang ng oras no?

Wednesday, August 13, 2014

Stupid questions

Sad to say that this is based on an actual interview of a veteran TV reporter.

Dapat yata mag-compile na ako ng mga stupid, insensitive questions na tinanong na nila over the years.

Wika

Dahil buwan ng wika ngayon....anong sabi nga ni Rizal tungkol sa di magmahal sa sariling wika?
Inspired ito ng isang fb post ng friend kong si Allison.
At habang binabasa nyo ito, makinig kayo sa napaka-astig na kanta ng Tres Marias na "Wika" na mas mild naman ang mensahe:  "Ang English di naman masama, wag lang nating kalimutan ang sariling wika"



Tuesday, August 12, 2014

Crazy Ruthie 2: Oplan Salisi

Ito ang special request ng isa nating ka-crazy! Ang pagbabalik ni Crazy Ruthie! Thanks to Eds and Ruth (na coincidentally ay ka-pangalan ng character natin) for the idea for this strip!

Monday, August 11, 2014

Pressure


Sabay-sabay po nating sabihin: I don't feel any pressure right now!
hahaha!
Maraming salamat kay Cyril,  isang former officemate for today's joke that may or may not be based on real events! ;)

Sunday, August 10, 2014

Health is wealth part 2

Para sa lahat ng may Annual Physical Exam ngayon! Kaya nyo yaaan!!!
At salamat sa lahat ng nurse at doctor at lab technicians, thank you for your patience with the patients!

Wednesday, August 6, 2014

Baha problems part 3

Ang hirap pala ng may bagyo na, may brownout pa no? Parang ma-baliw-baliw ako nung walang cable tv at wifi!!!



Baha problems part 2

Minsan talaga ang hirap pumasok, pero kailangan!

Medyo inspired by Manix Abrera's very funny News Hardcore!

Tuesday, August 5, 2014

Baha problems

Isang pagsaludo sa mga brave souls na sinusugod ang baha para mag-trabaho! Pray for them habang masarap ang tulog nyo sa ilalim ng kumot dahil na-declare nang walang pasok!

Monday, August 4, 2014

Payo ni Lola

Mga bata, makinig sa wisdom ni Lola! Papunta pa lang kayo, pabalik na siya! May pinagmanahan pala si Crazy Jhenny!
This strip is dedicated to my cousin na noong 90's ay sinimangutan ng tatay niya dahil nakitang tina-tastas ang bagong maong para magmukhang luma! :D

Sunday, August 3, 2014

Health is wealth!

Malay natin, baka makahabol pa! May kilala ba kayong ganito?