Wednesday, December 28, 2016

Tuesday, December 27, 2016

Back to work!

We're back!
Inspired by something my tita Luday said :)
Ang nakakatawa dyan, yung brand ng maple cookies ay kapareho ng binigay ng boarder ng tita Luday. Tsinugi pa namin kasi hindi sikat na brand... pero nung nagpunta kami sa supermarket, nung inusisa namin yung ingredients, yan yung may totoong maple syrup. yung iba, artificial flovoring lang!

Tuesday, December 20, 2016

Englebert at home


Tulad nga ng sabi ng isang tv station, isang pasalubong tayo :D

Sunday, December 18, 2016

Englebert at the duty-free

Ganito talaga naranasan namin sa duty -free. Imbes na ma-engganyo kami bumili, na-turn-off kami kasi sobrang pishy nila.

Friday, December 16, 2016

Englebert is going home

At diyan nagtatapos ang adventures ni Englebert sa Canada! Maraming slamat sa lahat ng sumubaybay!

Wednesday, December 14, 2016

Englebert and the Pinays


Ang dami ko pang hindi na-add na jokes... tulad ng sa puyat ko, nakalimutan ko kung saan ko nailagay yung boarding pass ko! Yun pala nasa ilalim ng kumot ko! Muntik na ako sumigay ng "Ibalik nyo ko sa Pilipinaaaas!"

Englebert and the paranoid roommate

May hindi pa ako nailagay na nakakatawa, walang tumulong sa amin mag-check in. At medyo hirap sa english ang mga room boys at waiters. So pagpasok naminsa room, sinaksak namin yung room card key sa slot para magka-ilaw. PEro yung aircon, tv at ilaw, ayaw gumana! Di namin alam na yung control panel sa gitna ng 2 beds namin ang dapat pindutin. Buti napagana namin.
Malawak yung bathroom at may bathtub pa. Thank God. ambaho ko na after 30 hours of travel... tsaka syempre nag-poop na rin nang maayos....
Isa pang weird, gumagana lang yung wifi, pag naka-on ang TV. Yun pala yung ini-explain sa amin ng receptionist in halting english, nung tianong namin ang wifi password...
So dun namin nalaman na na-delay ung flight namin kasi may bitak yung runway sa Manila... at ang papangit ng palabas sa TV sa China. Hindi lang namin mapatay kasi yun nga ang wifi namin! :P

Tuesday, December 13, 2016

Englebert and the buffet

Maayos naman yung hotel namin, Century Hotel yata ang name. Partner talaga ng china southern airlines. Yun nga lang medyo mdailim yung reception at medyo hirap sa English ang waiters.
Pero totoo, yuck yung food. May congee na matabang, soup na malamig, deep fried , battered fish, beef in oyster sauce, gulay, at pancit. Pero mas masarap pa ang pagkain sa chow king at hen lin! Partida, gutom pa kami nun, ha?

Buti na lang yung packed breakfast, mas ok. Parang siopap pero swet yam ang laman, boiled egg, kamatis, yoghurt tsaka bread.

Monday, December 12, 2016

Englebert meets Rosie and Joshua

Nagkakilala kami ni Ate Rosie nung nagka-punuan ng bus. Naiwan kami kasama ang iba pang mga chinese nationals. Umuwi  galing USA si Ate rosie kasi biglang namatay ang tatay niya. Kaya bad trip siya sa delay. Yun nga lang ninerbyos ako kasi walang takot niya talagang sinabi "Ang sama ng ugali ng mga intsik!" Susmaryosep, baka isumbong kami ng mga nakarinig!
Gusto ko sabihin, Ate, mag-reklamo ka na lang pag nakalipad na tayo!!!

Sunday, December 11, 2016

Englebert and the network

Parang congressman lang ako nun! Nakipag-shake hands ako sa lahat ng Pinoy, baka makatulong sila e! Ayaw kong maiwan sa China no?! Baka mapagkamalan pa akong drug mule! :P

Friday, December 9, 2016

Wednesday, December 7, 2016

Englebert and the flight monitor

13 hours on a plane can give you cabin fever!

Tuesday, December 6, 2016

Englebert and the earphones

Actually based on a true story!

Monday, December 5, 2016

Englebert and the elders

Notes: Ang daming mga sine at tv shows at music na pwedeng panorin sa flight. Ang bad news, karamihan e pangit o luma na.
Madaming food. May ok, meron ding yuck. Manghihinayang ka talaga kasi ang dami ng food pero minsan hindi mo na maubos, kaya tinatapon na lang.

Sunday, December 4, 2016

Englebert in Hong Cover

Or Van-Kong? Patawarin nyo na si englebert, ngayon lang nakapag-abroad yan!

Pero seryoso, ang dami nga nila sa airport pa lang.  Kaya may resentment ang mga ibang Canadians sa kanila.
Nung dati kasi, mga taga-Hong Kong na natakot sa pagbalik ng Hong Kong sa china ang nagsilipatan dyan. Meron kasing program non ang Canada na pag nag-invest ka ng 50 million dollars yata, pwede na maging citizen ang family mo.
Ngayon, may mga  mayayaman na Chinese na nagsibili ng mga bahay dyan sa Vancouver at dahil dun, sobrang taas na ng real estate sa kanila. Yung tita ko, yung binabayad nila sa mailiit na partment nila, pwede nang pangbayad sa bahay sa iabgn lugar sa Canada.

Friday, December 2, 2016

Englebert and the macho goodbyes

it's funny but the closer i got to the end of this story line, I'd feel sad, it's like saying goodbye all over again...