Monday, December 2, 2013

Tulong tulong tayo part 9

Hi guys, next level na ang pagtulong natin!

Maraming mga students from Leyte, Samar at iba pa ang nawalan ng pamilya o kabuhayan dahil sa typhoon Yolanda. Meron ding mga nag-cross-register sa iba't-ibang UP campuses dahil nasira ang UP Tacloban.
Kaya nag-launch ang UP ng "Kalinga kay Isko at Iska" para makatulong tayo sa mga students na gusto pa ring mag-aral pero kailangan ng tulong natin. Punta lang kayo sa website na ito

http://www.upd.edu.ph/~updinfo/nov13/articles/UPD_helps_Isko_Iska_survivors_of_Yolanda.html

at may donor's form dun na may iba't-ibang paraan para makatulong tayo.

Pwedeng mag-adopt ng student for a semester, o magbayad ng meals o toiletries. Pwede ring mag-pledge kupkupin ang isang student para sa isang semester o kahit sa Christmas break. Kahit anong tulong, siguradong ma-a-appreciate nila!

No comments: