Sunday, July 6, 2014

Noranian forever

Para sa mga Noranians! Ituloy ang laban!

Nora for National Artist!
Nung bata pa ako, pabor na pabor ako na ma-retain ang US Bases kasi  paborito ko ang GI Joe, Transformers at Superman. Proud na proud pa ako pag pinupuri ang galing ko mag-english.
Tapos, sa kainitan ng debate sa senado sa US Bases, pinalabas sa channel 2 pagkatapos ng Eat Bulaga ang pelikulang "Minsa'y isang gamu-gamo" Doon namulat ang mga mata ko na hindi lahat ng galing sa Amerika ay mabuti. Ganun kagaling si Nora Aunor.

Joke nga ng Noranians, sa sobrang galing ni Nora, kahit naka-zoom in sa mukha ni Ate Guy ang camera, malalaman mo kung ang hawak ni Nora ay waling tingting o walis tambo pagtingin mo sa mga mata lang niya! Ganun kagaling!

*Very very subtle lang ang animation dito! Uma-under acting din!

Bonus points if you can name all the movies referenced by this strip! :D

No comments: