Monday, February 2, 2015

Sukli

Relate dito ang mga nagj-jeep araw-araw. Dahil ang laki na nang ibinaba ng presyo ng diesel, P7.50 na lang ang bayad sa jeep. Pero bakit pag nagbabayad kami ng sampung piso o kahit 8 pesos, kulang ng 50 centavos ang sukli namin?! Umaasa sila na di makikipag-away ang pasahero para sa singkwenta? E ilang pasahero ang ginagawan nila ng ganyan?

Kaya tuloy pag may drayber na nagbigay ng tamang sukli, parang may music galing sa langit!

*Tip ko lang, kung gusto nyo, pwede nyo namang sabihin kay manong drayber na kulang ng 50 centavos ang sukli nya. Pag wala syang mga bente singko, piso ang isusukli nya sa iyo! Medyo may konting dabog lang pero tandaan, di nyo kasalanan yun.

No comments: