Monday, August 10, 2015

Health is wealth 6

Based on a true story nung nagpa-dentist ako. Iwasan ko na daw ang mga favorite food ko tulad ng sinigang, favorite sawsawan ko na suka, favorite fruit ko na orange... tapos pati ba naman cakes? E ano pang saysay ng buhay?
Kaya in-offeran nya na lang ako ng fluoride treatment, P1,000 pesos para less ngilo for 1 year. Syempre, natakot ako mawalang ng cake, so um-oo ako. Pero nug sumunod na year, nag-sensitive teeth toothpaste na lang ako!
Ang sabi naman sa akin ngayon, may mga coffee stains daw ang ipin ko! So P200 daw para sa stain removal, napapayag na naman ako! Ang weird lang, 6 months ago, wala namang binanggit yung dentist na tumingin sa akin about stains. Hmmm...

No comments: